๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!

Noong Hunyo 12, 1898, sa bayan ng Kawit, Cavite, buong tapang na ipinahayag ni Dad Emilio Aguinaldo, isang mapagmalaking kasapi ng Masoneriya, ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mahigit tatlong daang taon ng pananakop ng Espanya. Sa araw ding iyon unang iwinagayway ang bandilang Pilipino, at inawit sa unang pagkakataon ang Pambansang Awit mga sagisag ng pagkamakabayan, pagkakaisa, at bagong pag-asa para sa bayang matagal nang naghintay ng kalayaan.

Hindi nag iisa si Aguinaldo. Sa kanyang tabi ay ang marami pang mason na rebolusyonaryo mga taong pinanday ng prinsipyo, tapang, at diwa ng pagkakapatiran. Pinatunayan nila na sa tulong ng pagkakapatiran, tapang, at paninindigan, kayang baguhin ang kapalaran ng isang buong bayan. Ang kanilang kabayanihan ay nagsilang hindi lamang ng isang malayang bansa, kundi ng isang diwang Pilipino na matatag at hindi kailanman palulupig.

127 taon na ang lumipas, at ngayon, hindi na lang natin inaalala ang ating kalayaan tayo mismo ang nagpapatuloy nito.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga mason na bayani ng ating kasaysayan! Mabuhay ang kabataang may dangal at layunin!

As long as there is an Order of DeMolay, we are one.

For god, For country, For DeMolay!